Camp Lukban, Catbalogan, Samar – Ang Multi-Sectoral Quick Reaction Team o MSQRT ay naglalayong tumugon sa mga suliraning dulot ng “extra-legal killings”. Ito ay nabuo sa pagkakaisa sa mithiin ng ibat-ibang sector sa lipunan na walang ibang hangarin kundi mapanatili o mapalaganap ang kapayapaan at kaunlaran sa buong bansa.
Hindi kataka-taka na ang mga dumalo sa pagpupulong ay may mataas na antas ng kamalayan sa pakikipagkapwa. Sa kabila ng kanilang kakulangan at kakayahan, sila ay nagbuklod-buklod upang maipadama sa bawat kasapi ang kanilang pananagutan sa layunin ng samahan.
Bilang isa sa mga kasapi ipinahayag ni Major General Mario F Chan ang kahandaan ng kasundaluhan na gumalang sa karapatang pantao. Aniya, “Ang mga sundalo ay magpapatuloy sa paggalang sa karapatang pantao sa kabila ng mga bintang ng mga grupong mapanghusga”.
Ang MSQRT ay halos dalawang linggo pa lamang ngunit ito ay umani na ng mga batikos tatlong-araw mula ng ito ay ilunsad. Dahil dito, ipinahayag ni Major General Chan ang kanyang paanyaya sa mga kritiko na humarap sa pagpupulong ng MSQRT at makiisa upang mabigyang linaw ang kanilang mga akusasyon.
Ang MSQRT ay magpapatuloy sa layuning mapagsilbihan ang mga mamamayan upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran..###

No comments:
Post a Comment